Posts

Mga Karapatang Panlipunan na tinatamasa sa aming Lalawigan

Image
Ang aking pamayanan ay nabibilang sa Rehiyon 4-A, ang CALABARZON, partikular sa lalawigan ng Cavite. Ito ay ang lungsod ng Dasmariñas.  Maituturing na isang progresibong lungsod ang aking pamayanan at dahil dito, natutugunan nito ang iba’t-ibang karapatang panlipunang dapat tamasahin ng mga mamamayang nabibilang sa iba’t-ibang sector ng lipunan nito.           Unang-una na ang karapatan sa trabaho. Napakaraming establisyemento, mga pabrika at pagawaan na nag-eempleyo sa mga mamamayan sa Dasmariñas. Ang bilang at  laki ng populasyon nito ay nagbibigay din ng oportunidad sa mga tao upang kumita sa pamamagitan ng kalakalan at pagnenegosyo Sa larangan naman ng edukasyon ay hindi pahuhuli ang Dasmariñas. Para sa mga batang nasa unang taon ng pag-aaral ay may Day Care Center ang bawat baranggay. Napakaraming pampublikong paaralan mapa-elementarya man o sekondarya sa iba’t-iba...